Thursday, January 19, 2012

What to do when your laptop's LCD is broken

Sa dalawang taon at apat na buwan ni Acer samin (okay. hindi ako creative mag-isip ng pangalan e. stick to the brand name nalang :p), ngayon lang sya tinopak. to be more precise, nasira. as in literally, sira sya. and it's way beyond my pangangalikot skills ang pag-kumpuni sa kanya (kung hindi nyo talaga ko kilala, pwes hindi nyo alam na mahilig ako mangalikot ng mga kung ano-anong mga bagay. ex: cellphone, charger, antenna ng tv, etc.). so mangiyak-ngiyak ako nung nakita kong ganito ang screen nya:


to be honest, na-cute-an talaga ko sa ichura nya. stripes kasi tapos iba-ibang colors pa. pwedeng pam-wallpaper sa celpon. HAHA. kaso nung naalala ko na screen ni Acer yan, na-sad ako ng bongga.  goodbye facebook, twitter, youtube, blogger, mga libo-libo kong kanta, movies, at sa koreanovelang pinapanuod ko ngayon (watch A Thousand Days Promise. para syang Moment to remember! (libreng advertisement yan ah) ipapalabas sya sa Channel 2..SOON!) okay lang naman sakin na walang internet e. pero walang laptop? HELL NO! pero syempre gusto ko pa din na may net noh. lalo na ngayon na high-tech na ang mga prof. pa-yahoogroups-yahoogroups nalang ang mga lecture nila. kaya ang tantsa ko yung g-tech ko aabot pa yun ng 5th year ko e. haha! AT, kailangan ko maghanap ng kanta. kung minamalas ka nga naman..

so ngayon, meron akong tips kung anong pwedeng gawin kapag nasira ang laptop o pc mo:
1. wag sukuan ang laptop. i-check mo ng mga 30 times bago mo sabihing, "wala na talagang pag-asa(sabay buntong-hininga).

2. repeat number 1.

3. kung na-conclude mo na kaya nag-breakdown na yung laptop or pc mo dahil pagod na pagod na sya sayo, pagpahingahin mo muna. mga 5 minutes.

4. repeat number 1.

5. pag ayaw pa din, tagalan mo pa ang pahinga nya.

6. repeat number 1.

7. sumuko na. bukas mo na tingnan ulit.

8. mag-pray. sabihin mo na lahat ng rason mo kung bakit hindi pwede masira ang laptop/pc mo (for added drama, syempre yung mga mabubuting rason ang sabihin mo. iwasan ang mga rason na: 1.hindi pa ko nakakapag-status ngayong araw na to!, 2. magpapa-rank up pa ko sa Tetris e. , 3. i need to tweet something pa e. , at 4. hindi pa ko na-sstalk ang profile ng crush koooooo! </3 ).

9. magkulot ng buhok. SERYOSO. ginawa ko to kagabi. at hindi ko nagustuhan ang kinalabasan kinaumagahan. nag-shampoo agad ako pagkagising ko. fearing na hindi na ulit umistreyt yung buhok ko. haha!

10. mag-linis ng bahay. seryoso ulit. ginawa ko talaga to. actually, pag bored ako, ayan talaga ang nagagawa ko. but fortunately sakin at unfortunately sa mama ko, minsan lang ako ma-bore. (TRIVIA: favorite ko maglinis ng cr at ng electric fan.)

11. magbasa ng Bible. at infairness naman, umusad na ko. forever na kong nasa 2 Samuel e. (NOTE: everyday gawin 'to. wag kalimutan!)

12. isulat sa planner mo ang birthday ng lahat ng importanteng tao para sayo. magtatagal ka dito kasi iisipin mo ba kung importante ba sya talaga. REMINDER: iwasang magkamali ng petsa(GUILTY ME).

13. maglaro ng Where's Wally ng walang salamin (applicable sa mga malalabo ang mata gaya ko). for sure aantukin ka.

14. mag-WiFi sa mall. para di ka naman mukhang kawawa, dun ka nalang sa mga kainan na may WiFi (e.g. KFC, McDo, etc)

15. gamitin ang lumang laptop/pc. maiimbyerna ka nga lang sa sobrang kabagalan (TRUE!) at mapapaisip ka kung pano mo napag-tyagaan yun dati(TRUE ULIT!).

16. ipagawa nag laptop sa kakila. i repeat. SA KAKILALA. iwasang gumastos.

2 comments:

Anonymous said...

You're also reading a Bible :D
I, too once read it all. It has pretty cool stories. It's prose and poetry unmatched. It's logic and values undisputed by those who claim they knew everything about life.

:)

Unknown said...

Of course! Bible is the instruction manual of my life :)