though hindi naman ako dapat maniwala dito, i think i ought to post how my day turned out to be extraordinary :)
i have 11AM classes that day. but due to my consistent pagpupuyat, my 7:30 alarm was useless and i woke up at 9:15. (just so you know, kailangan kong umalis ng bahay ng before 9:30 para hindi ako ma-late) mega irita na ko nun kasi, i have to iron my clothes pa and i was really looking forward to breakfast kasi di ako nagdinner the night before. sobrang antok pa din talaga ko kaya pa-piki-pikit pa ko sa jeep. and i'm sure na naghe-headbang nanaman ako. pero ngayon di na ko nahihiya pag nagagawa ko yun. keri lang. syempre kita nilang estudyante ako. so "baka" maisip nila na napuyat ako kakaral :)))) O:) ang bait ko lungs :)))
School.
late na ko. at sobrang nagmamadali na ko. first take ko kasi yung first class ko. so medya nangangapa pa. then nakakabwiset lang si quevin dahil ayaw pumasok! (wrong move ata na mag-kaklase kami. parang aasa lang sya sa katalinuhan kong taglay. pero syempre yung katalinuhang part joke lang. ) and I thank God dahil sa very timely na activity ng Adamson (TRIVIA: ang Adamson University ay mahilig sa biglaang activity day. yung mga tipong bukas na yung activity, ngayon lang nila i-a-announce. then kung may klase ba, syempre sa mismong oras na ng activity). dahil WALANG KLASE NG 11-12. i repeat, WALANG KLASE NG 11-12. so very much maswerte ako. harhar :)) pero may konting badtrip pa din kasi naiisip ko yung "supposed-to-be-breakfast" ko. nalulungkot talaga ko na hindi ako nakakain. ewan ko ba pero ang sarap-sarap kumain. as in kapag nakita mo kong kumain matu-turn-off ka (kaya siguro walang nagkakagusto sakin.hehe :p ) then i proceeded na sa next class ko. eto ding subject na to first take lang. kinakabahan ako dito kasi hindi ko type yung inaaral dito e. about electricity chorva. di ko talaga type yun! kaya i need to pay more attention talaga. and ang galing-galing ko kasi nasagot ko yung problem at tinuturuan ko pa yung partner ko! pero syempre hindi naman ganun kahirap yung problem. HAHA. ngayon ko lang kasi na-feel ulit na matalino pala ko. haha. nawala na kasi yung confidence ko after everything na nangyari sa pag-aaral ko. i realized na capable pa din pala ko of learning new things. so ang drama ko na diba? HAHA. sorry naman ;)))
After Class.
nagtext ako kay jhez kung nasan sya. but knowing her, dapat pala nagtext ako 3o miutes bago matapos yung class ko. but then again i was surprised na andun lang sila sa may stairs :))) so napa-chismis nanaman ako. haha! na-miss ko talaga sila. sila kasi talaga yung masasabi kong "True Friends" ko ngayong college. yung kwentuhan namin inabot ng 4 hours! grabe lang! plus, 1 hour sit-in pa pala.hehe. hindi tuloy ako nakaattend sa LifeBox. i said sorry naman kay Lord :) and i think kaya hindi Nya din inallow na magpunta ko dun kasi na-feel Nya na maliligaw ako :))) kidding aside, i know na He's showing me how important i am to my friends. and i thank Him for that.
SM Manila.
pagkatapos sa AdU, nagkita naman kami ni joyce. and syempre kumain. haha! gutom na kami e! again, God revealed something to me. i may not have the sister that i wanted, but He said that i have my cousin in replace to that. i can talk about anything and everything to her. we share our problems, hide our secrets. everything that i wanted to have for a sister nasa kanya. my shopping and parlor buddy, lahat na! :))
for this day, i secretly wished for happiness. but God said, there are a lot of things I should be happy about. I just need to have the heart to appreciate it :)
3 comments:
maganda :) nakakaaliw basahin. LIKE!!
Interesting mind, Wapple :)
thank you :) God bless!
Post a Comment