Friday, February 3, 2012
Happy Birthday Mama! :)
And because it's your birthday today, i dedicate this post to my mother who is at the same time my father. (gosh, nagsisimula palang ako sa tina-type ko teary-eyed na ko.HAHA) i may not be as expressive as anyone can be pero swear, love na love talaga kita. i may not tell you everyday pero alam ko naman na alam mo na yun e. i want to thank you because for the past 18 years you have been taking care of me. i know that it's not that easy kasi alam mo na, ang babait namin (*insert sarcastic tone here*). pero bago ang mga tenkyu-tenkyu, magre-reminisce muna ko..
nung bata pa ko, hindi ko talaga alam na ikaw yung totoong mama ko. kasi sabi nila si Yaya Del daw. tapos may mga nagke-claim pa na anak daw nila ko. yung kapatid ata ni Tatay yun. kapag sinasabi nyang anak nya ko konti nalang sasama na ko pauwi e. haha! pero ngayon, alam ko na na ikaw talaga at hindi si Aling Mileng (labandera namin dati).
dati kapag nagkakabisado ako ng speech ko, ang binibigay mong reward ay plastic balloon. favorite ko kasi yun dati. to the point na akala ko ang plastic balloon at rugby ay iisa (magka-amoy kaya sila!)
nalulungkot ako kapag recognition tapos wala ka :'( e kasi lahat sila kasama yung parents nila. tapos ako adviser lang ang kasama ko sa stage. pero syempre kailangan kong intindihin na may trabaho ka. or else, di ako kakain at di ako makakapag-aral. haha!
ayokong-ayoko na bubunutan kita ng puting buhok tapos pawis ka. yuck lang :|
kapag sumasama yung pakiramdam mo then natulog ka na, lagi kitang sinisilip fearing na baka hindi ka na nahinga or something. ang paranoid ko lang. pero syempre nag-aalala kasi ako noh. ang ending, hindi ako nakakatulog.
iyak ako ng iyak sa letter mo sakin nung retreat namin nung high school. pano ba naman, sinabi mo na akala mo lalaki ako </3 pero nabawi mo naman nung sinabi mong ang ganda ko at pwede akong Miss Philippines. hehe
nagtatampo pa din ako na hindi ako nag-birthday sa jolliibee at si kuya lang ang pinag-birthday mo dun. HAHAHA. joke lang :))
may teorya ako na pinilit mong manganak ng February 11 para sabay kami ni kuya Carlo. pero hanggang nagyon, teorya pa din sya. ayaw mo pa kasi aminin! at ang pangalawang teorya ko, si joyce talaga ang anak mo.hehe
ayaw na ayaw kong aalis ka. pano ba naman, nagiging P.A. ako! lahat ng mga pangangailangan mo ako ang nag-aabot (lotion, suklay, pony, pulbos, salamin, tsinelas at kung ano pang mga anik-anik na kailangan mo. and for the record, isa-isa nya pong inuutos yang mga yan. as in paupo ka palang ulit, may ipapaabot na sya ulit sayo)!
ang greatest advice mo sakin ay.. wag akong magpakasal sa lalaking gaya ni FRIEND. dapat responsable. sobra yung tawa ko dito kasi pinapangaral mo sakin yan nung Grade 5 or 6 ako. HAHAHAHA
ang paborito mong anak ay si......... okay, quiet lang ako. haha!
LASTLY, sayo ko naman ang pagiging laitera ko. PERIOD.
ma, thank you sa mga memories na yan. hindi pa nga lahat yan e. at, I claim na makakagawa pa tayo ng mas madami at mas masasaya pa. we may not have everything we want, but still, there are more reasons for us to be happy. we just need the heart to appreciate it. I am grateful to God na ikaw ang mama ko at hindi si Aling Mileng at kahit lagi kang undertime dito sa bahay. hindi man ito yung family na you hoped for pero still, you tried your best to raise us well (?) thank you for always being there kahit nasusuklam ka na. thank you for you patience and love. thank you sa paghuhugas ng pinggan (alam na alam mo na na ayaw ko yan) thank you sa adodong 4 times a week mong niluluto, sa afritada na twice a week naman, sa sinigang every sunday, turon tuwing hapon at sa tocino na every morning kong kinakain. thank you sa panggigising mo tuwing umaga. yun nga lang, nauuna ka pa sa alarm ko. feeling ko tuloy nananakawan ako ng tulog. sa pagpa-plantsa mo ng uniform ko na minsan lang sa isang sem mangyari. at sa lahat-lahat ng bagay na ginagawa mo sakin everyday na kahit di ako mag-thank you sayo e ginagawa mo pa din :) pero gusto ko din mag-sorry. sorry if i'm not the daughter you have expected. sorry for being a constant disappointment. sorry if i am a failure..right now. ngayon lang naman yan. i swear na dadating din yung time na magiging proud ka sakin. di ka na maiinggit sa iba pag napag-kwentuhan na ang tungkol sa mga anak. sorry kung CE ang inenroll ko at hindi ECE at ayaw kong mag-shift ng IE. sorry kung makalat ako sa gamit. ganun kasi ang konsepto ko ng pagiging organized ;) sorry kung lagi kong nababasag yung salamin ko. alam ko namang di mo ko matitiis e. haha! sorry din kung di ko nilalagay yung sapatos ko sa lalagyan, di ko sinasampay yung tuwalya ko, di ko hinuhugasan yung kinainan ko at hindi mo maipaliwanag yung lalagyan ko ng damit. basta sorry sa lahat. alam ko naman na papatawarin mo ko bilang ako ang maganda mong anak.hehe. i love you mama! sana ma-enjoy mo 'tong araw mo. i always pray na God will give you a good health and you will live as long as i shall live. hehe. LOVE YOUUUUU! :*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Sweet mo apple! :")
Happy Birthday kay Mama! Hehehe
haha! thanks ate camille :)
Post a Comment