Tuesday, April 24, 2012

Beware of Brando

OM capital G. Grabe yung na-experience ko today. Feeling ko pinarusahan ako ni Lord kasi I ditched my class. (tapang ko. feeling matalino!) May kasama naman kasi ako kaya matapang me :p Itago natin sya sa pangalang Maria. Kaming dalawa ni Maria ay takot mag-boardwork kaya nag-cut kami ng class. As in, hinintay muna namin yung prof na dumating para magpasa ng assignment then gora na. (mabait pa din ako kasi nagpasa ko O:) ) Dahil ang next class ko ay 5pm pa, meron pa kong 4hours vacant. Si Maria naman, first and last class na nya yun. Ayaw pa ata nya umuwi kaya sabi nya, mag-SM daw muna kami.


Pagdating sa SM, syempre saan pa ba kami pupunta kundi sa ultimate tambayan ng mga estudyante: CINEMA. Don't be fooled. Tunog shala lang yun pero 25php lang ang ticket dun. Syempre yung mga lumang movie na yung pinapalabas. Minsan daw maganda ang palabas dun pero di ko pa na-chambahan. Thrice palang naman ako nanunuod dun. I prefer recent movies you know. HAHA! Nag-Bato-Bato Piks pa kami kung anong papanuorin. Nakakatakot kasi yung bet nya. Syempre ayaw ko nun. 3 days nanaman akong matutulog ng bukas ang ilaw noh! At dahil varsity ako ng Bato-Bato Piks, nanalo ako :D So, go kami sa "I Don't Know How She Does It". Di ko naman talaga bet yan. E kesa naman yung nakakatakot diba e di eto nalang.


BV habang nanunuod kasi sa right side lang yung may tunog. Kaasar diba? little did I know mas may BV pa pala dun.. Umupo kami ni Maria sa taas then center aligned. Ako yung mas malapit sa aisle pero may isa pa namang vacant seat. Then biglang may lalaking umupo dun. Naka-white na tshirt, sa tingin ko 20-30 years old at naka-sumbrero. (ewan ko ba kung bakit lapitin ako ng lalaking naka-sumbrero. naka-cap din yung lalaking humabol sakin sa may Kalaw e.) Tawagin natin syang Brando (para tunog aso). Sa dinami-dami ng upuan, dun pa nya napiling umupo. Ang dami pa namang vacant seat and yet dun sya pumwesto. E ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat e yung may katabi akong di kilala sa sinehan (sino bang may gusto?). Pinausog ko si Maria. So one seat apart na kami (taray, parang exam lang. HAHA). After 3 minutes siguro, bigla ng umalis si Brando. Kaya peaceful na kaming nanunuod ni Maria pwera nalang pag nasisilaw ako sa ilaw ng cellphone nya pag nagtetext sya. After 20 minutes, BUMALIK SI BRANDO!! Dun ulit sya umupo sa upuan nya kanina kaya dedma lang ako. Nagulat nalang ako ng biglang tinabihan nanaman nya ko! OMG. Dinedma ko pa din. Pero iwas na iwas ako sa kanya. Baka bigla akong hawakan e. Nood.. Nood.. Nood.. Wala naman syang ginawang kung ano. Tumatawa siya pag may nakaaktawang part. May mga side comments pa sya which is nakakairita. Pero napapatingin talaga ko sa kanya kasi nafi-feel ko na tinitingnan nya ko. Pasimple akong natingin and tama ako! Nakatingin nga sya! Omg ang creepy nya talaga! From time to time, natingin ako sa kanya. Feeling ko kasi holdaper sya. Tinitingnan ko baka mamaya naglalabas na pala sya ng balisong. Pero hindi naman. Yung dalawang kamay nya, magkapatong. Nagalaw. Yung tingin ko, hinihimas nya yung kabila nyang kamay. *sigh* Safe ako. 


Nood.. Nood.. Nood.. Kairita manuod kasi ang hina ng sound! Biglang akong may narinig. Si Brando. (hindi ko alam kung pano ko ita-type to. Pero this is the best that I can manage. here goes..) "Aaaaah.. Aaaaah.."
NANLAKI YUNG MATA KO. AS IN PROMISE NANLAKI TALAGA SYA O_O
Bigla akong lumingon kay Brando, at BAM! Nagalaw ng mabilis yung kamay nya.. Nanghina ako. Di ko akalain na ngayon ang araw na maco-corrupt ang isip ko. Oo alam ko yung mga bagay na yun. Pero.. Pero hindi pa ko ready!! Bata pa ko! Wala sa plano ko ang makakita ng ganun kahit sa video at lalong-lalo na sa personal at sa tabi ko pa! For the record, WALA PO AKONG NAKITA. YUNG KAMAY LANG NYANG NAGALAW ANG NAKITA KO, PROMISE. Nakakadiri. Nakakadiri ka, Brando.]


Moral lesson of the story? Tanggapin ang hamon ng boardwork. You never know kung anong mangyayari sayo pag hindi ka pumasok. HAHAHA


Para sa mga estudyante na mahilig manuod ng 25php na sine, mag-ingat kayo. Mas madami kayong manunuod, mas safe. And I pray na hindi nyo ma-encounter si Brando. Isa syang certified manyakis. And if ever na may tumabi sa inyo na kahina-hinalang lalaki, lumipat na kayo agad ng upuan. Iwasan si Brando. Isumpa ang mga lalaking gaya nya.

5 comments:

caloy said...

kasalanan mo yan! kung pumasok ka na lang at nag-boardwork, edi sana hindi ka na nakakita ng something live in action!

Unknown said...

nagsisisi na nga ako e :( malay ko bang may mga ganun dun??

Anonymous said...

Aw.. grabe yun ah. may ganun pla sa SM Manila! XP Next time yayain mo ako manuod yayariin natin un! dapat cnumbong mo....para di na xa makaulit pa.. ingat!

Jayson Villeza said...

Aw.. grabe yun ah. may ganun pla sa SM Manila! XP Next time yayain mo ako manuod yayariin natin un! dapat cnumbong mo....para di na xa makaulit pa.. ingat!

Unknown said...

@jayson villeza - yes nakakagulat nga e. syempre hindi lang naman ako sa basta-bastang mall nanuod. di bale sana kung sa recto yun. hehe