Wednesday, October 10, 2012

Tap Tap

Today, is a happy, happy day :D Congratulate me guys because as of today,
I AM NOW A BONA FIDE STUDENT OF FAR EASTERN UNIVERSITY - EAST ASIA COLLEGE. Yahoooooooo! Sa wakas po, gumana na yung ID ko! After 4 months of waiting, 4 na beses na pagbalik sa Registrar, napagana ko na sya kanina :) Sa sobrang saya ko nga, gusto kong ulit-ulitin yung pagpasok sa gate. Kaso sa haba ng pila, di bale nalang pala. Madami pa naman akong taon para ma-swipe sya. Heehee :') Simula bukas, wala ng mahabang paliwanagan kung bakit di nagana ID ko. Minsan kasi talaga nakakapeste pag di sya nagana. Kahit kasi i-input ko yung student number, waley talaga. One time nga may isang guard dun na ang kulit talaga. Ayaw maniwala na di talaga nagana. Dalawang beses nya pina-type yung student number ko. E HINDI NGA NAGANA E!! Nung sumuko na sya after 2 tries, napa-"Ano ha?" ko sa kanya. Hahahaha! With matching taas pa ng kamay :)))) Oh well, at least tapos na ko sa ganung chapter ng buhay ko :)


4 comments:

caloy said...

MAARTE ka pows.

Unknown said...

Inggitero ka pows.

Anonymous said...

Hmm.. It's an 'OK' school. Mahal nga lang ang tuition. haha.

Unknown said...

Yup. Haha! Pero mabilis naman ang pacing. mabilis makaka-graduate :)